NAGPAABOT ng kanyang ‘birthday greetings’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Iglesia ni Cristo (INC) executive minister Eduardo Manalo na magdiriwang ng kanyang ika-69 kaarawan bukas, Oktubre31.
Nagpahayag ang Pangulo ng kanyang pasasalamat at paghanga kay Manalo para sa dedikasyon nito at liderato.
“Sa araw na ito, nais kong ipahatid ang aming pasasalamat at paghanga sa inyong dedikasyon sa pamumuno at pag gabay sa Iglesia ni Cristo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng liderato ni Manalo sa itinuturing na influential religious group, hangad ng Pangulo ang patuloy na lakas at karunungan nito sa kanyang nagpapatuloy na serbisyo sa INC.
“Nawa’y patuloy kayong biyayaan ng lakas at karunungan upang magamit sa inyong patuloy na paglilingkod at pangunguna sa loob ng Iglesia,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos.
“Mula sa aming pamilya, pinapanalangin namin ang patuloy na paglago ng inyong gawain at magandang adhikain para sa bayan at sa buong mundo,” ang dagdag na wika ng Chief Executive. Kris Jose