Home METRO 2 lalaking de boga timbog sa magdamagang operasyon ng mga parak

2 lalaking de boga timbog sa magdamagang operasyon ng mga parak

171
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang 49 anyos na lalaking tricycle driver na gumagala habang may dalang baril sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang naarestong tricycle driver na si Noel Brigola, residente ng Brgy. Minuyan Proper.

Sa report ng SJDM police station, naaresto ang suspek bandang 9:00 ng gabi nitong Oktubre 28 sa nasabing Lugar.

Ayon sa report, isang concern citizen ang humingi ng tulong sa istasyon na nagsabing may lalaking nakasuot ng black shirt, black fatigue short, may dalang baril at pagala-gala sa lugar.

Dahil dito, rumesponde ang mga awtoridad sa lugar kaya nahuli ang suspek at narekober ang cal. 38 na may limang bala.

Samantala, huli rin ng parak bandang 1:31 ng madaling araw nitong Oktubre 29 si Reymart Donzal, 33, vendor ng Brgy. Brgy. Graceville matapos inguso ng concerned citizen na may dalang improvised gun (Sumpak).

Nahaharap sa kaukulang kaso ang dalawang lalaking nahuling armando habang nakakulong sa naturang istasyon.(Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here