MANILA, Philippines – Tumaas sa 150 ang naiulat na bilang ng mga nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.
Sa ulat nito alas-8 ng umaga, sinabi rin ng NDRRMC na 29 katao ang naiulat na nawawala at 115 ang naiulat na nasugatan.
Sina Kristine at Leon ay nakaapekto sa 7,494,023 katao o 1,892,226 na pamilya sa 17 rehiyon. Karamihan sa kanila ay naiulat sa Bicol na may 2,684,154 na apektadong tao, sinundan ng Central Luzon na may 1,092,750 at Calabarzon na may 752,793.
Sa kabuuang apektadong populasyon, 330,649 katao o 85,536 pamilya ang nananatili sa loob ng mga evacuation centers habang 429,483 indibidwal o 87,617 pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.
Pumasok si Kristine sa Philippine area of responsibility (PAR) noong Oktubre 21 at nag-landfall sa Divilacan, Isabela noong Oktubre 24. Lumabas ito ng PAR noong Oktubre 25. Santi Celario