MANILA, Philippines – Naramdaman na ng pagbuhos ng mga tao na nagtutungo sa Manila North Cemetery ngayong disperas ng Undas 2024.
Sa tala ngayong umaga ng MPD monitoring, umaabot na sa 3,000 ang bilang ng mga indibidwal na pumapasok sa MNC.
Bagamat paulit-ulit at taunang ipinagbabawal ng mga pabango, lighter at sigarilyo, marami pa rin ang naharang sa entrada ng MNC at nakumpiskahan ng flammable items.
May pinagkaloob namang libreng sakay papasok sa loob ng sementeryo, may libreng sakay din sa paligid ng Manila North Cemetery partikular sa mga isinarang kalsada.
Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Maynila, nasa 5,030 indibdwal ang nagtungo sa nabanggit na sementeryo kahapon, October 30,2024. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)