Home ENTERTAINMENT Itsura ni Isabel Oli, nilait!

Itsura ni Isabel Oli, nilait!

213
0

Manila, Philippines – Camera angling is the culprit.

Pagtatanggol ito ng isang netizen who’s putting the blame on the camera na ginamit para kunan si Isabel Oli-Prats.

Viral kasi ang photo ng inactive actress at misis ni John Prats habang kalong niya ang kanyang anak.

Una itong naka-post sa Instagram ni Isabel.

Ini-repost ito sa Facebook, at doon na dumagsa ang mga comments ng netizens taking a swipe at how Isabel looks now.

Palibhasa kasi, sa larawan ay wala siyang makeup.

Nakasuot pati siya ng pambahay.

Sey ng isang gulat na netizen: “OMG! What happened to Isabel? She used to be beautiful!”

Comment pa ng isa: “Bakit ganyan na ang itsura ngayon ni Isabel?

“Akala ko, yaya ng anak niya!”

In fairness, may mga dumepensa naman sa wifey ni John.

One of them said: “May mga bad hair days lang ang tao… kayo talaga!”

Still another one said: “She’s still beautiful in person!”

Sinisisi naman ng isang netizen ang maling anggulo ng camera.

Medyo naka-tilt down kasi ito.

Meron ding pumuna sa headband ni Isabel, which made her look ordinary at hindi artistahin.

Pero namumukod-tangi ang isang comment kung saan ayon sa netizen: “Her inner peace says them all!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here