Inatasan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga manning agencies na isama ang seminars sa Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children Law sa pre-departure orientation para sa mga seafarers.
Inilabas ng DMW ang direktiba matapos makatanggap ng ulat ng pagtaas ng insidente ng pagkahuli at detention ng mga Filipino seafarers sa cruise ships sa Estados Unidos dahil sa child pornography at sex-related offenses.
Binigyang-diin ni DMW Secretary Hans Cacdac sa isang pahayag na Ang ahensya ay aktibong miyembro ng IACAT at hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng exploration ng mga bata Lalo na kung sangkot ang mga Filipino seafarers.
“The DMW is expecting Filipino seafarers to “uphold the highest ethical manner” during their onboarding, ayon kay Cacdac.
“The United States federal and state laws also criminalize the production or promotion of child pornography and prosecute individuals who possess, view, transport, and distribute child pornography, even if committed within private areas,” ayon sa advisory ng Migrant Workers department .
Sinabi rin ng DMW na lahat ng manning agencies ay inatasan din na makipagtulongan sa law enforcement authorities
at “siguraduhin ang pagkakaloob ng karampatang legal na tulong at representasyon sa panahon ng paghahanap, pag-aresto, pagsisiyasat sa custodial, at mga paunang pagdinig sa kanilang mga akusado na seafarer. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)