Home NATIONWIDE Isa sa mga suspek sa pumugot sa ulo ng sekyu sa QC,...

Isa sa mga suspek sa pumugot sa ulo ng sekyu sa QC, sumuko

138
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni PCOL Melecio M Buslig, Jr, Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD), ang matagumpay na pagka-aresto sa isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay ng isang security guard ng Ford Balintawak na si Alfredo Valderama Tabing, noong Disyembre 25, 2023 sa Quezon City.

Nauna rito matatandaan, umaga ng nasabing araw ng kapaskuhan nung pinaslang ang naka duty na guwardiya sa papamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo.

Ayon sa QC police ang pagkakahuli sa suspek na ito ay pinangunahan ng Kamuning Police Station 10 sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Leonie Ann Dela Cruz.

Kinilala ang nadakip na akusado na si Michael Caballero , 47 taong gulang, at kilala bilang Top 1 District Level Most Wanted Person. Siya ay isang sales driver na residente ng Barangay Balong-Bato, Quezon City.

Naaresto si Caballero noong ika-28 ng Oktubre, 2024, bandang 9:00 ng umaga sa loob ng Branch 87, Regional Trial Court (RTC), Hall of Justice, Annex Building ng Quezon City Hall Complex, Barangay Central, Quezon City.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Police Station 10 ng impormasyon na si Caballero ay nasa Quezon City Hall of Justice kasama ang kanyang abogado, para boluntaryong sumuko. Agad na kumilos ang mga operatiba at, sa pakikipag-ugnayan sa RTC Branch 87, kinumpirma ang presensya ni Caballero bago siya arestuhin sa bisa ng mga Warrant of Arrest na inisyu noong Setyembre 10, 2024.

Nahaharap si Caballero sa mga kasong Robbery with Homicide (Art. 294[1] ng Revised Penal Code) at paglabag sa Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016, kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte.

“Ang pagkakaaresto sa suspek na ito ay nagpapatunay na hindi kailanman makakapagtago sa batas ang mga gumagawa ng krimen. Kaya nananawagan kami sa isa pang suspek na sumuko na sya at harapin ang kasong naisampa laban sa kanya. Hindi titigil ang QCPD hanggang di naibibigay ang hustisya sa pamilya ng biktima,” ani PCOL BUSLIG, JR. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here