Home NATIONWIDE Tulong sa mga miyembrong biktima ng bagyong Leon tiniyak ng GSIS

Tulong sa mga miyembrong biktima ng bagyong Leon tiniyak ng GSIS

MANILA, Philippines – Sinigurado ng Government Service Insurance System na nakahanda ang ahensya na magbigay tulong para sa kànilang miyembro na nasalanta ng bagyong Leon.

Ayon sa GSIS, handa nilang buksan ang kanilang emergency loan at iba pang serbisyo para makapagbigay ng tulong sa kanilang mga miyembro.

Paglilinaw ng ahensya na sa oras na madetermina ang mga lokasyon at lugar sa bansa na nasa ilalim ng state of calamity ay agad aaksyon ang GSIS para sa mabilisang tulong.

Hinimok naman ng ahensya ang mga kwalipikadong miyembro nito na gamitin ang GSIS Touch dahil mas ligtas at mas mabilis ito ang pamamaraan nito.

Pwedeng makapag loan sa pamamagitan ng mga gwaps kiosk na nasa mga ahensya ng pamahalaan at ibang mga malls.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng GSIS na gsis.gov.ph o sa kanilang social media pages. (Dave Baluyot)