MANILA, Philippines – Umarangkada na kahapon ang pamimigay ng pamahalaan ng UAE ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng bagyong Kristine na sinimulan sa Sta. Teresita Village Court sa Barangay Malanday, Marikina City.
Pinangungunahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohammed Obaid Alzaabi ang pamimigay kasama sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Specialo Envoy to UAE Trade and Investments Ma. Anna Katrynna Pimentel, at Senator Koko Pimentel.
Nasa 1,000 pamilya ng Barangay Malanday ang nakatanggap na food packs na naglalaman ng mga bigas, delata, gatas, biskwit at kape na ipamimigay din sa ibang rehiyon na apektdo ng bagyong Kristine.
Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat sa pamahalaan ng UAE si Secretary Gatchalian sa walang sawang pagtulong sa ating bansa. Tulad nang daang kalamidad gaya ng landslide sa Davao de Oro, pagutok ng Bulkang Taal mga Bagyong Carina at Krintine. Toto Nabaja