Home METRO Kelot initak sa ulo ng kainuman

Kelot initak sa ulo ng kainuman

130
0

PANGASINAN- Isinugod sa ospital ang isang 48-anyos na lalaki matapos siyang tagain sa ulo ng kanyang nakainuman sa bayan ng Villasis ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa pulisya ang biktima at ang 37-anyos na suspek ay parehong magsasaka, residente ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-inuman ang dalawa sa bahay ng nanay ng biktima at pagkatapos ay magkasamang naglakad pauwi sa kanilang mga bahay.

Pagsapit nila sa harap ng bahay ng biktima, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa tungkol sa kanilang suweldo.

Uminit nang uminit ang kanilang pagtatalo hanggang sa tagain ng suspek ang biktima sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na itak samantalang ang biktima ay isinugod naman sa Dr. OrdoƱez Medical Hospital. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here