Home METRO Admin aide utas sa suwag ng bus

Admin aide utas sa suwag ng bus

196
0

LA UNION-Kamatayan ang sumalubong sa isang lalaking nakamotorsiklo matapos siyang bumangga sa nakasalubong na bus sa national highway sa Brgy. Taboc, San Juan ng lalawigang ito nitong Martes, Oktubre 29.

Ayon sa pulisya, ang driver ng kulay itim na Rusi 125 motorcycle ay isa umanong administrative aide 1, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Naguituban, San Juan, La Union samantalang ang 40-anyos na driver ng kulay puting bus ay residente naman ng Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, ang motorsiklo ay papuntang timog samantalang ang bus ay papunta naman ng opposite direction.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake ang motorsiklo sa isang sasakyan kaya nakasalubong nito ang bus na nagresulta sa kanilang banggaan.

Resulta nito, nagtamo ang driver ng motorsiklo ng severe injuries na agad na dinala sa ospital.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng bus at ang mga pasahero nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here