Home NATIONWIDE Pag-remit ng GSIS contributions ng gov’t employees ‘di trabaho ng mga mayor...

Pag-remit ng GSIS contributions ng gov’t employees ‘di trabaho ng mga mayor – SC

186
0

MANILA, Philippines- Hindi sakop ng opisyal na tungkulin ng isang mayor ang pag-remit ng kontribusyon sa Government Service Insurance System (GSIS).

Sa desisyon ng Supreme Court Special First Division, pinawalang-sala si dating Sto. Tomas, Isabela Mayor Antonio M. Talaue sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8291 o GSIS Act
of 1997.

Si Talaue ay nagsilbing alkalde mula 1988 hanggang 1998 at 2001 to 2010.

Taong 2003, ipinaalam ng GSIS kay Talaue na bigo ang kanyang munisipalidad na magbayad ng social insurance contributions ng kanyang kawani mula 1997 hanggang 2003 na aabot sa P12,071,451.22.

Dahil sa hindi pag-remit ng munisipalidad kahit ilang beses nagbigay ng notice ang GSIS, nagsampa na ang ahensya ng collection at damages sa Pasay RTC.

Inireklamo din ng GSIS sa Office of the Ombudsman si Talaue ng paglabag sa Section 52(g) in relation to Section 6(b) ng GSIS Act of 1997.

Nakasaad sa naturang probisyon na paparusahan ang pinuno ng government office na hindi mag-remit ng GSIS contribution.

Taong 2021 ibinasura ng SC ang mosyon ni Talaue na mabaligtad ang desisyon laban sa kanya ng Sandiganbayan kung kaya naghain ito ng motion for reconsideration.

Kinatigan ng SC ang motion for reconsideration ng dating alkalde dahil nabigo ang prosekusyon na patunayan na si Talaue ang responsable sa pag-remit ng GSIS premium contributions ng mga empleyado.

Binigyan-diin ng Korte na sa ilalim ng RA 7160 o Local Government Code, ang mga municipal mayor ay itinuturing na “chief executives” at hindi “heads of offices”.

“The Local Government Code does not include remitting GSIS
contributions among a mayor’s listed duties. Furthermore, no internal directive or issuance was cited to demonstrate the mayor’s involvement in the remittance of GSIS contributions.”

Hindi rin napatunayan ng prosecution na sinadya ni Talaue na iwithhold ang pagbabayad ng contributions. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here