Home NATIONWIDE 14.89 milyong late birth registrations nadiskubre ng PSA

14.89 milyong late birth registrations nadiskubre ng PSA

204
0

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 14.89 milyong late birth registration na isinumite sa pagitan ng 2010 at 2024.

Ang isyu ay lumabas matapos magtanong si Senator Risa Hontiveros sa Senate plenary deliberations sa General Appropriations Bill para sa 2025 noong Huwebes kung ang PSA ay nagsasagawa ng audits sa birth certificates para matugunan ang mga potensyal na pang-aabuso sa proseso ng pagpaparehistro.

“Sa mga hearings na ginagawa natin kay Guo Hua Ping, lumabas ang abusong ginagawa sa late registration para makakuha ng pekeng Filipino citizenship ang mga dayuhang may masamang balak dito, nagconduct ba ng internal audit ang PSA sa mga pekeng birth certificate?” tanong ni Hontiveros.

Sinabi ni Senador Grace Poe na susuriin ang 14.89 milyong late registration upang maberipika ang kanilang pagiging tunay, at idinagdag na kasalukuyang sinusuri ng PSA ang 50, 532 birth certificate para sa mga palatandaan ng falsification at iregularidad.

Binanggit ni Poe na hinarang na ng PSA ang 1,627 kahina-hinalang birth certificates na nauugnay sa mga dayuhan. Kabilang sa mga ito, 18 kaso ang inendorso ng Office of the Solicitor General (OSG) para sa opisyal na pagkansela.

Dagdag pa niya, mananagot din ang mga kasabwat sa paggawa ng pekeng birth certificate. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here