Home METRO P2.6-M alahas nilimas ng bagong kasambahay sa San Juan

P2.6-M alahas nilimas ng bagong kasambahay sa San Juan

MANILA, Philippines – Umabot sa P2.6 milyong halaga ng alahas ang ninakaw at nakulimbat ng isang bagong-hire na kasambahay ang inaresto ng mga alagad ng batas sa Leyte matapos nitong nakawin ang mula sa kanyang amo sa San Juan City.

Napag-alaman sa imbestigasyon na dalawang linggo pa lang sa trabaho ang 24-anyos na suspek nang gawin niya ang krimen noong Oktubre.

Sinabi ng biktima na humingi ng permiso sa kanya ang suspek na makauwi sa probinsiya dahil umano’y nasugatan ang kanyang kapatid sa isang aksidente.

Walang kamalay-malay ang biktima na milyon-milyong halaga ng kanyang mga alahas ang ninakaw ng kasambahay na kanyang na-hire matapos na makilala lang sa Facebook.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Leyte at nahuli rin ang suspek.

Narekober sa suspek ang isang resibo mula sa isang pawnshop kung saan ibinenta nito ang mga ninakaw na accessories. Isang singsing na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso ang naibenta lamang sa halagang P21,000, ayon sa ulat.

Nakuha rin sa operasyon ang dalawang cellphone na binili niya gamit ang kinita mula sa mga ninakaw.

Iginiit ng suspek na may alyas na “Alex” na ginawa niya ang krimen para bayaran ang mga gastusin sa ospital ng kanyang kapatid.

Ngunit sinabi ng mga awtoridad na walang katotohanan ang mga pahayag ng suspek.

“Walang katotohanan yun. Upon apprehension, nung tinail namin sila…galing sa gimik nitong ating suspek together with their sister and some of her friends. So ni galos wala kaming nakita sa sinasabi niyang kapatid na na-ospital,” ani NBI agent John Erwin Marasigan. RNT