Home METRO 2 kelot tiklo sa pagnanakaw sa 2 Japanese nationals sa Makati

2 kelot tiklo sa pagnanakaw sa 2 Japanese nationals sa Makati

155
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Makati City police ang dalawang lalaki na nagnakaw umano sa dalawang Japanese national noong Huwebes, Nobyembre 7.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawa na sina alyas “Wendell,” 26, at “Jeffrey,” 23, sa dragnet operation na inilunsad noong Biyernes matapos na magsumbong ang mga biktima sa pulisya.

Ayon sa Japanese nationals, ninakawan sila ng motorcycle-riding suspects sa Don Chino Roces Avenue 8:45 ng gabi noong Huwebes.

Sa dragnet operation sa Don Chino Roces Avenue sa harap ng Makati Cinema Square sa Barangay Pio del Pilar, ay namataan ng pulisya ang motorsiklo na walang plaka at tumugma sa inilarawan ng mga biktima.

Sinubukan pang tumakas nina Wendell at Jeffrey ngunit kalaunan ay nahuli ito. Nakuha sa kanila ang X9 9mm firearm at magasin na may limang rounds ng ammunition, maging ang replica firearm at cash na nagkakahalaga ng ¥10,000.

Kinumpiska rin ng mga pulis ang motor na ginamit.

Positibong kinilala ng mga biktimang Japanese ang mga suspek na nahaharap sa kasong robbery at illegal possession of firearms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here