Home NATIONWIDE Mutual defense treaty sa NoKor, pinirmahan ni Putin

Mutual defense treaty sa NoKor, pinirmahan ni Putin

RUSSIA – Pinirmahan na ni Russian President Vladimir Putin bilang isang batas ang kasunduan ng strategic partnership sa pagitan ng Russia at North Korea.

Kabilang dito ang probisyon ng mutual defense, ayon sa decree na inilathala nitong Sabado, Nobyembre 9.

Ang kasunduan na pinirmaha ni Putin at North Korean leader Kim Jong Un noong Hunyo matapos ang summit sa Pyongyang, ay nananawagan sa dalawang bansa na sumuporta at umagapay sa oras na magkaroon ng armed attack.

Niratipikahan ng upper house ng Russia ang naturang treaty ngayong linggo, habang inendorso naman ito ng lower house noong nakaraang buwan.

Mas pinagtibay pa nito ang mainit na ugnayan sa pagitan ng Moscow at Pyongyang mula nang maglunsad ng full-scale invasion ang Russia sa Ukraine noong Pebrero 2022. RNT/JGC