INDONESIA – Tatlong beses na sumabog ang Mount Lewotobi Laki-laki sa Indonesia nitong Sabado, Nobyembre 8.
Naglabas ito ng ash column na umabot sa 9 kilometro ang taas.
Matatandaan na siyam ang nasawi sa matinding pagsabog ng bulkan na matatagpuan sa East Nusa Tenggara province noong nakaraang linggo.
Mula noon ay nasa 16,000 katao na mula sa mga barangay malapit sa crater ang inilikas.
“The eruption accompanied by the ejection of hot lava and hot clouds to the west and northwest of Mount Lewotobi Laki-laki is still occurring,” ayon kay Muhammad Wafid, pinuno ng volcanology agency.
Target naman ng ahensya na palawakin pa sa 9 kilometro mula sa 8 kilometro ang restricted zone para sa mga tao mula sa southwest hanggang northwest ng crater. RNT/JGC