Home NATIONWIDE NoKor naglunsad ng GPS jamming attacks; Barko, eroplano sa SoKor apektado

NoKor naglunsad ng GPS jamming attacks; Barko, eroplano sa SoKor apektado

NORTH KOREA – Naglunsad ng GPS jamming attacks ang North Korea nitong Biyernes at Sabado, Nobyembre 9, na nakaapekto sa operasyon ng mga barko at eroplano sa South Korea.

Ang jamming allegations ay isang linggo lamang matapos na mag test-fire ang North Korea ng isa sa pinaka-advance at malakas nitong solid-fuel ICBM missile.

Matapos nito ay nagpakawala naman ang South Korea ng sariling ballistic missile nitong Biyernes para ipakita ang pwersa at pagpapakita ng tugon nito sa “any North Korean provocations”.

“North Korea conducted GPS jamming provocations in Haeju and Kaesong yesterday and today,” ayon sa joint chiefs of staff ng Seoul nitong Sabado.

“We strongly urge North Korea to immediately cease its GPS provocations and warn that it will be held responsible for any subsequent issues arising from this,” dagdag pa sa pahayag.

Bukod sa GPS jamming, nagpapaulan din ang North Korea ng trash-carrying balloons sa South Korea mula pa noong Mayo na ganti umano nito para sa anti-Pyongyang propaganda missives na ipinadala ng mga aktibista.

Noon pang Mayo ay sinusubukan na pala ng Pyongyang na i-jam ang GPS signals ng South Korea ngunit bigo itong makaapekto sa operasyon nang mga panahong iyon.

Naniniwala ang mga eksperto na maaaring magpatindi pa ng tension sa Korean peninsula ang naturang jamming attacks.

“It remains unclear whether there is an intention to divert the world’s attention from troop deployments, instill psychological insecurity among residents in the South, or respond to Friday’s drills,” ayon kay Yang Moo-jin, pangulo ng University of North Korean Studies sa Seoul.

“However, GPS jamming attacks pose a real risk of serious incidents, including potential aircraft accidents in the worst-case scenario.” RNT/JGC