MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), bilang puno ng Philippine delegation sa kauna-unahang Global Ministerial Conference on Ending Violence Against Children, na magsasagawa ito ng whole-of-nation approach para matigil na ang karahasan sa mga bata.
“The Philippines is committed to put in place a more robust child protection systems strategy in its legal and policy frameworks, with specific attention to government coordination structures,” sinabi ni DSWD Assistant Secretary for International Affairs, Attached and Supervised Agencies Elaine Fallarcuna sa kanyang speech sa global conference na isinagawa sa Colombia nitong Biyernes, Nobyembre 8.
Sa pledge, nangako ang pamahlaaan na maglalagay ito ng multidisciplinary teams sa lahat ng lungsod, munisipalidad at pampublikong ospital sa buong bansa pagsapit ng 2030.
“Each multidisciplinary team shall be composed of doctors, police officers, workers, lawyers, and other professionals and service-providers, who shall respond and manage all cases of violence against children in a trauma-informed approach,” ani Fallarcuna.
Pagdating naman sa foster care at adoption services, tataasan ng pamahalan ang foster parents sa 10 per partner child-placing agencies sa mga munisipalidad, lungsod at probinsya.
Pagsapit ng 2030, nangako rin ang pamahalaan na pauunlarin ang adoption ng pagproseso ng mga petisyon para sa domestic adoptions sa loob ng siyam na buwan ng filing.
Palalakasin din nito ang pagsusulong ng Karapatan ng mga bata at maglalaan ng tatlong porsyento ng general fund para sa child-protection programs, sa line item na imomonitor sa pamamagitan ng iba’t ibang sector at taunang budget increase mula 2024 hanggang 2030.
“This will ensure that resources for child-protection programs are properly identified, attributed, and not diverted,” aniya.
Ang pamahalaan din ay mag-dedevelop ng “child protection systems strategy with a comprehensive and more robust mechanism, with particular focus in learning institutions, including the development of child protection specialists, in national legislation, executive issuances, and local legislation.”
Sinabi rin ni Fallarcuna na magbibigay ang pamahalaan ng parent at caregiver support sa pamamagitan ng economic- o income-strengthening programs, maging ang evidence-based parenting sessions para turuan ang mga magulang at caregiver, at hikayatin ang mga ito na palitan ang corporal punishment ng non-violent discipline techniques.
Mag-aambag din ang Pilipinas sa safe digital environment para sa mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng strategic plan na lalaban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children, and Child Sexual Abuse and Exploitation Materials, na ipatutupad sa 2025. RNT/JGC