MANILA, Philippines – Umarangkada sa 18-month high ang pandaigdigang presyo ng mga pagkain noong Oktubre, o pagtaas ng 2% mula Setyembre, ayon sa UN Food and Agriculture Organization (FAO) nitong Biyernes, Nobyembre 8.
Lahat ng major food commodities, maliban sa karne, ay nakapagtala ng price increase noong Oktubre. Pinakamalaki rito ang pagtaas sa vegetable oils sa 7.3%.
Kumpara sa historical levels, ang Food Price Index ng FAO noong Oktubre ay 5.5 percent na mas mataas kumpara noong nakaraang taon, bagamat nananatiling mababa ng 20.5 percent sa peak level noong Marso 2022.
Tumaas ang cereal prices ng 0.8 percent mula Setyembre, ngunit 8.3 percent na mas mababa kumpara noong Oktubre 2023.
Ang presyo ng vegetable oil ay tumaas ng 7.3 percent month-on-month noong Oktubre, o two-year high.
Ang dairy prices ay lumago rin ng 1.9 percent noong Oktubre, at tumaas ng 21.4 percent mula noong Oktubre 2023.
Habang ang presyo ng asukal ay tumaas ng 2.6 percent noong Oktubre, kumpara noong Setyembre. RNT/JGC