Home NATIONWIDE Big-time oil price hike, asahan!

Big-time oil price hike, asahan!

MANILA, Philippines – Asahan na ng mga motorista ang big-time oil price hike sa susunod na linggo dahil sa mahinang palitan ng piso at pagsisimula ng hurricane season sa US.

Ayon sa Department of Energy, possible ang P1.90 hanggang P2.10 kada litro na dagdag sa presyo ng diesel, P1.20 hanggang P1.50 na dagdag sa kada litro ng gasoline.

Habang P1.00 hanggang P1.20 kada litro naman ang inaasahang taas sa presyo ng kerosene.

Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC