Home NATIONWIDE 50K residente ng Cagayan Valley apektado kay Marce

50K residente ng Cagayan Valley apektado kay Marce

142
0

MANILA, Philippines – Nasa 50,000 residente sa Cagayan Valley ang apektado ng bagyong Marce, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 2.

Sinabi ni Mylene Attaban ng DSWD-Region 2 Disaster Response Management Division na 15,915 pamilya o 48,822 indibidwal ang inilikas mula sa 360 barangay sa tatlong probinsya sa rehiyon.

Walumput pitong porsyento ang tumutuloy sa evacuation centers at ang nalalabi ay sa kanilang mga kaanak.

Naitala sa Cagayan ang pinakamataas na bilang ng mga apektadong pamilya sa 15,518 o 47,629 indibidwal, Isabela sa 371 pamilya o 1,112 indibidwal, at Batanes sa 27 pamilya o 81 indibidwal.

Ani Attaban, nagpapatuloy ang close monitoring sa epekto ng bagyo sa mga bayan ng Santa Ana, Alacapan, Lal-lo, Lasam, Pamplona, at Santa Praxedes sa Cagayan.

Samantala, namahagi na ang DSWD ng P2 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here