Home HOME BANNER STORY Mga pamilyang biktima ng krimen, cybercrimes tumaas – SWS

Mga pamilyang biktima ng krimen, cybercrimes tumaas – SWS

MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga pamilyang nabibiktima ng mga krimen at cybercrimes sa nakalipas na anim na buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Sabado, Nobyembre 9.

Ang survey ay isinagawa mula Setyembre 14 hanggang 23, 2024, at nakitang 6.1 percent ng mga pamilya ang nagsabing nabiktima sila ng mga krimen gaya ng pandurukot, akyat-bahay, carnapping, at pananakit sa nakalipas na anim na buwan.

Binubuo ang survey ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

“This is 2.3 points above the 3.8% in June 2024 and the highest since the 8.1% in September 2023,” saad sa pahayag ng SWS.

Dagdag pa, naitala rin ng SWS ang “new record high” ng cybercrime rates sa mga pamilya, sa 7.2 percent o pagtaas na 3.5 percent mula noong Hunyo 2024.

“Victimization by common crimes reported in SWS surveys is much higher than the number of crimes reported to the police,” dagdag ng SWS.

Samantala, 48% ng mga respondent ang nagsabi na natatakot silang maglakad sa gabi, habang 56% ang nagsabing takot sila sa mga magnanakaw.

Napag-alaman din sa survey na bumaba ang percentage of visibility ng mga drug addicts sa 41% mula sa 46% noong Hunyo 2024.

Ang ilan sa mga tugon ng respondents ay ang hindi ligtas na mga kalsada, mga magnanakaw, at adik, na pinakamataas sa Metro Manila. RNT/JGC