Home OPINION SIBAKIN SI MARBIL; SHABU BILANG BITAMINA

SIBAKIN SI MARBIL; SHABU BILANG BITAMINA

147
0

HINDI na dapat pang magtagal sa kanyang pwesto si Philippine National Police chief PGen Rommel Marbil dahil sa kanyang sablay na pahayag ukol sa ipinagbabawal na drogang shabu.

Kung ako kay Pangulong Baby Em, este, BBM pala, sibakin na niya si Marbil sapagkat nakatatakot ang pahayag nito sa isang panayam sa telebisyon na ang mga adik…ay hindi raw naman talaga mga adik.

At ang shabu, base sa kanyang pahayag, ay itinuturing lamang niyang BITAMINA.

May mga gumagamit aniya ng shabu hindi upang mag-adik, kundi para gamitin itong pampalakas sa pagtatrabaho.

Ang mga gumagamit, aniya, ng droga ay ‘yung mga nag-o-overtime sa trabaho dahil kapag nakabatak ay gising sila.

Ang pahayag na ito ni Marbil ay malaking kagaguhan at kabobohan. Pukaw na mo!

Tanong ko lang, bangag ba itong PNP chief na ito nang interbyuhin siya?

Alam ba niya ang mga pinagsasasabi niyang ito?

Kaya pala talamak na naman ang droga sa panahong ito dahil sa ganyang paniniwala ng hepe ng ating pambansang pulisya. Nakakahiya ito!

At nakaiinsulto sa mga manggagawang Pilipino na naka-duty sa gabi. Ibig bang sabihin nito e, may mga manggagawa sa gabi na sadyang gumagamit ng shabu para lang manatiling malakas at gising sa oras ng kanilang trabaho?

Napakamapanganib din ng sinabing ito ni Marbil. Nagbigay siya ng lakas ng loob lalo sa mga durugista upang ipagpatuloy nila ang pagdodroga dahil itinuturing lang naman pala na BITAMINA ang shabu.

At lubha itong mapanganib dahil nagbigay ito ng signal sa mga drug trafficker para lalong magpakalat ng shabu sa lansangan sapagkat para lang naman palang BITAMINA ang kanilang ibinebenta.

Ay, walanghiya!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here