Home NATIONWIDE 26 patay sa pagsabog sa train station sa Pakistan

26 patay sa pagsabog sa train station sa Pakistan

105
0

PAKISTAN – Umabot na sa 26 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng bomba sa isang train station sa Balochistan, Pakistan nitong Sabado, Nobyembre 9.

Naganap ang pagsabog sa Quetta railway station sa Balochistan province, na nahaharap sa tension sa mga strike ng separatist ethnic militants.

Inako ng Baloch Liberation Army (BLA), isang separatist militant group, ang nangyaring pagsabog.

Nananawagan ang BLA ng Kalayaan para sa Balochistan, isang probinsya na may 15 milyon katao na malapit sa border ng Afghanistan at Iran.

Ang BLA ay ang pinakamalaking ethnic insurgent groups na lumalaban sa gobyerno. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here