Home NATIONWIDE 568 pasahero stranded sa 12 pantalan sa Bagyong Nika

568 pasahero stranded sa 12 pantalan sa Bagyong Nika

MANILA, Philippines – Daan-daang pasahero ngayon ang stranded sa 12 pantalan sa bansa dahil sa bagyong Nika.

Sa Philippine Port Authority (PPA) kinakalinga ang 568 na mga pasahero matapos magkansela ng byahe ang mga shipping lines dahil sa bagyo.

Sa report ng PCG, ang naturang mga pasahero, drivers at helpers ay namamalagi sa 12 pantalan sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Nagkansela kasi ng byahe ang mga barko bunsod ng epekto ng bagyong Nika.

Kabilang sa mga ito ay ang:
– Real Port
– Port of San Andres
– Port of Lucena
– Port of Atimonan
– Romblon Port
– Calapan Port
– Muelle Port
– Balanacan Port
– Tabaco Port
– Virac Port
– Pasacao Port
– Calaguas Island

Samantala, kinumpirma ng kinatawan ng kompanyang 2Go na 4 na barko nila ang apektado ang mga biyahe magmula noong Sabado

Kabilang dito ang biyaheng Davao-General Santos, ang Dumaguete-Dipolog-Zamboanga na dapat nakaalis ng 9:30 kagabi.

Kasama rin ang Cebu-Ozamis-Butuan na naka-iskedyul na maglayag sana ng tanghali mamaya at Cagayan De Oro-Bacolod na alas diyes naman mamayang gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden