Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa GCash hirit ng digital advocacy group

Imbestigasyon sa GCash hirit ng digital advocacy group

185
0

MANILA – Nanawagan ang digital advocacy group na Digital Pinoys na imbestigahan at panagutin ang e-wallet platform na GCash sa mga hindi awtorisadong transaksyon na humantong sa pagkawala ng salapi ng ilang users nito.

Sinabi ng digital Pinoys national campaigner na si Ronaldo Gustilo na ang isyu ay nagpapatuloy sa loob ng mahabang panahon, at sa kabila ng mga nakaraang reklamo, ito ay nananatiling hindi nareresolba.

“Napakarami nang reklamo patungkol dito sa mga unauthorized transactions and nakakalungkot na naulit na naman ‘yung ganitong kalaking insidente,” ani Gustolo.

“Ang panawagan namin, syempre dapat agarang isauli ang lahat ng mga nawalang pera dahil sa wave ng unauthorized transactions,” aniya pa.

Naglabas ng pahayag ang GCash noong Sabado na nagkukumpirmang tinutugunan nila ang isyu ng isolated incident.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Gustilo ang pangangailangan para sa pagsisiyasat ng gobyerno sa usapin.

“Hindi uubra na lang din sila ‘yung mag-imbestiga dun sa nangyaring insidente dahil hindi ito ‘yung una. Nakakaalarma ito kaya dapat meron ding mga kaukulang parusa sa GCash,” aniya pa.

“Hindi natin alam baka nagkaroon talaga ng breach, o nangyari ng hacking so kelangan ito ay idaan sa imbestigasyon na impartial,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakikipag-ugnayan sila sa GCash at magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakikipag-ugnayan sila sa GCash at magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Ngunit, muling iginiit ni Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity, at Upskilling Jeffrey Ian Dy na nananatiling boluntaryo ang paglahok ng GCash, dahil walang batas na nagbibigay ng mandatoryong kapangyarihan na may kaugnayan sa cybersecurity.

“GCash should be clarified as a critical information structure due to their scopex saka maraming Pilipino ang gumagamit nyan. Ito ay isang napaka-boluntaryong proseso. Wala kaming mandatory powers to compel them,” aniya.

Samantala, umapela ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na iulat ang mga scam at lahat ng uri ng cybercrimes sa Inter-Agency Response Center (IARC) hotline 1326 sa halip na mag-rant sa social media.

Nakipag-ugnayan ang CICC sa GCash para maunawaan kung ano ang nangyari at nakipagtulungan sa National Telecommunication Commission para matukoy kung paano matutulungan ang mga biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here