Isa sa mga araw na ito’y tiyak na ito ang buong kaligayahang masasambit ni Gina Pareño.
And why?
Kinumpirma na kasi ni Coco Martin na tutuparin niya ang binitawan niyang pangako na isasali niya ang beteranang aktres sa Batang Quiapo.
Ito naman kasi ang nakasanayan ng publiko kay Coco–providing job opportunities for displaced industry workers.
‘Yun nga lang, aminado ang creative think tank ng BQ na pinag-aaralan muna niya ang proseso.
Sa kaso ni Gina who he treats like his own lola, tsine-check muna ng aktor ang babagay na role sa kanya.
Katwiran niya: “Ayoko naman niyang isipin na, ‘Ay, hindi ako ito!’ o hindi siya nabigyan ng value.”
Hangga’t maaari raw ay hindi niya ikina-cast ang isang artista “for the sake na magkaroon siya ng trabaho!”
Respeto na rin daw ‘yon sa tulad ni Gina na malaki ang naitulong sa kanya during his budding years on TV.
“Noon, imbes na makipagkuwentuhan ako sa mga co-stars ko, tatawagin ako ni Tita Gina sa tent: ‘Halika dito, magbasa ka ng script!’ Ganoon siya kahigpit at kadisiplinado,” kuwento ni Coco.
Nananalangin ang actor-director na pag tanda niya: “Kung anong respeto sa puso ko ang meron para sa mga veteran stars, sana ganoon din sa mga kabataang artista. Silang mga veteran stars ang pinagkukunan natin ng inspirasyon sa ating trabaho,” pagtatapos niya.
Of late, busy si Gina Pareño sa kanyang pagti-TikTok pero aminado siyang miss na niya ang umarte sa harap ng camera. Ronnie Carrasco III