MANILA, Philippines – Babalangkas ang Supreme Court (SC) ng guidelines sa pagamit ng artificial intelligence (AI) sa mga court operation at management.
Sinabi ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, ang “AI Governance Framework for the Judiciary” ang maglalaan ng standards sa pagamit na ng AI.
“The AI Governance Framework will provide standards for using AI in court administration, such as human resource, finance, and security, as well as in legal research, document analysis, courtroom applications, and case management.”
Sesentro ang framework sa mga pangunahing prinsipyo gaya ng kayusayan, transparency, pananagutan, fairness, privacy at data protection.
Sinimulan na ng SC ang pilot testing ng AI technologies gaya ng voice-to-text transcription software para sa mga court stenographer sa Sandiganbayan at ilan piling first at second-level courts.
Bukod dito, sinusuri na rin ang AI-enhanced platforms para maging simple ang legal search.
Tiniyak ni Leonen na magiging responsable at wasto ang pagamit ng AI ng hudikatura.
“We are prepared and continuously preparing for that eventuality,” ani Leonen.
Nilinaw naman ni Leonen na sa ngayon ay hindi pa ipinatutupad ng SC ang anumang AI system. Teresa Tavares