MANILA, Philippines – PINAYAGAN ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang nakamamatay na September attack sa Hezbollah gamit ang communications devices na sumabog sa Lebanon.
Ito ang unang pagkakataon na umamin ang Israel na sangkot sa ganitong bagay.
Matatandaang, sinisi ng Hezbollah ang arch-foe nito para sa naturang pagsabog na gumawa ng matinding bigwas sa
Iran-backed militant group, at nangakong maghihiganti.
“Netanyahu confirmed Sunday that he greenlighted the pager operation in Lebanon,” ang sinabi ng kanyang tapagsalita na si Omer Dostri sa AFP sa nabanggit na pag-atake.
Ang Hand-held devices na ginamit ng Hezbollah operatives sa pagpapasabog sa dalawang magkasunod na araw sa supermarkets, sa mga kalye at mga funeral sa mid-September.
Ito ang dahilan ng pagkasawi ng 40 katao at pagkasugat ng 3,000, bago pa nagsimula ang military operation ng militar sa Lebanon.
Sinimulan ng Hezbollah ang ‘low intensity strikes’ sa Israel bilang pagsuporta sa Hamas kasunod ng October 7, 2023 attack sa Israel na nagpa-apoy naman sa Gaza war.
Ang pag-atake ay umiigting mula nang magsimula ang giyera sa Lebanon sa huling bahagi ng Setyembre, nang pataasin naman ng Israel ang air campaign laban sa Hezbollah at matapos ay nagpadala ng ground troops sa south Lebanon. Kris Jose