Home NATIONWIDE P442M halaga ng imprastruktura winasak ni Nika; ilang daan ‘di pa rin...

P442M halaga ng imprastruktura winasak ni Nika; ilang daan ‘di pa rin madaanan

156
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P442.107 milyong halaga ng pagkasira sa imprastraktura na naidulot ng bagyong Nika at Ofel.

Sa nasabing halaga, P121.45 milyon ng pinsala sa kalsada ang iniulat sa CAR, at P320.66 milyon pinsala sa flood control structures sa Region 3.

Samantala, nanatiling sarado sa mga motorista ang limang kalsada matapos ang paghagupit ng bagyong Nika at epekto ng bagyong Ofel , ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang mga saradong kalsada ay ang:

-bahagi ng Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road sa Tukucan, Tinoc, Ifugao bunga ng landslide

-Lubuagan-Batong – Buhay Road, Batong – Buhay, Balatoc, Pasil, Kalinga dahil sa mga kumalat na debris

-Sarado rin ang Junction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road, Tonglayan Section, Natonin, Mountain Province dulot ng paglubog ng lupa

-Sampaguita – Warat – Suerte-Catarauan – Afusing Road, Malalatan, Alcala, Cagayan na lubog pa rin sa baha

-Gayundin ang Cagayan-Apayao Road, Itawes Overflow Bridge sa Sta Barbara, Piat, Cagayan na napinsala ang kalye paakyat ng tulay.

Sa ngayon, kabuuang 18 typhoon-affected roads ang nalinis at binuksan na sa mga motorista.

Inatasan na rin ang DPWH Disaster and Incident Management Teams (DIMT) na mapabilis ang paglilinis sa natitirang impassable roads. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here