MANILA, Philippines – Nakumpiska ng pulisya ang nasa P20.7 milyong halaga ng marijuana at naaresto ang anim na hinihinalang drug pusher sa operasyon sa Cordillera region mula Nobyembre 11 hanggang 17.
Narekober ng Police Regional Office-Cordillera ang 98,985 fully grown marijuana plants, 775 marijuana seedlings, pitong kilo ng dried marijuana leaves at stems na may fruiting tops, at 18.05 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,790,740.
Nadiskubre ang marijuana plants na nagkakahalaga ng P9 milyon sa Mountain Province at illegal na droga na nagkakahalaga ng P8.1 milyon, at drug pusher na ikinokonsiderang street-level individual sa Benguet.
Samantala, nadiskubre ng Kalinga police ang marijuana plants na nagkakahalaga ng P3.5 milyon at naaresto ang dalawang high-value individuals, habang nakumpiska naman ng Baguio City Police Office ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P118,660 at nahuli ang dalawang street-level drug pushers. RNT/JGC