MANILA, Philippines – Wala nang naitalang stranded na pasahero sa mga pantalan sa buong bansa bunsod ng bagyong Pepito, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG)
Bukod dito, sinabi ng PCG na nagbalik na rin ang lahat ng shipping at fishing operations sa normal.
Ang bilang ng buhos ng pasahero noong Linggo na may 3,541 pasahero; 1,484 rolling cargoes, 15 vessels, at 17 motor bancas na stranded sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Central Visayas, at Western Visayas.
Bilang karagdagan, isa lamang ang iniulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na nagkansela ng byahe nitong Lunes ng hapon, ang St. Francis Xavier (Cebu-Ozamis-Butuan) sa PMO NCR North dahil sa maalon na karagatan.
Sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago, na ang bilang ng stranded na pasahero sa buong bansa sa pagtama ng bagyong Pepito ay mas mababa kumpara sa parehong insidente dahil na rin sa koordinasyon sa local government units (LGUs) na tumulong na ilikas ang mga stranded na pasahero mula sa mga pantalan dahil sa storm surge warnings. Jocelyn Tabangcura-Domenden