MANILA, Philippines – Patay ang isang 58-anyos na laborer matapos pagsasaksakin sa Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 17.
Ayon sa mga awtoridad, nakainom na dumaan ang biktima at mga kasama nito sa bahay ng 48-anyos na suspek na nakikipag-inuman din sa kapatid at kaibigan nito.
Tinawag umano ng suspek ang biktima at nauwi ito sa argumento hanggang sa magpambuno.
Naglabas ng patalim ang suspek saka sinaksak ang biktima at kasama nito.
Sinubukang pahupain ng asawa at kapatid ng suspek ang sitwasyon ngunit maging ang mga ito ay inatake rin ng suspek.
Nagtamo ng kabi-kabilang tama ng saksak ang biktima.
Tinamaan din sa tiyan ang asawa ng suspek maging ang kapatid nito.
Naaresto ng pulisya ang suspek at narekober ang patalim na ginamit sa krimen. RNT/JGC