MANILA, Philippines – Nakumpiska ang mahigit P14 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang construction worker sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 62-B, Tacloban City nitong Lunes, Nobyembre 18.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jade, 38, isang high-value individual at top regional priority target sa illegal na droga.
Nahuli si Jade matapos na magbenta ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa isang police poseur-buyer.
Nakuha sa suspek ang kabuuang 42 sachet ng shabu na tumitimbang ng humihit-kumulang dalawang kilo at P81,500 na cash.
Isinagawa ang operasyon ng Tacloban City Police Office-City Drug Enforcement Unit kasama ang City Intelligence Unit at Regional Intelligence Division sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Tacloban City Police Office Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC