Home NATIONWIDE Leasing expense ng Comelec sa poll automation, sinita ni Hontiveros

Leasing expense ng Comelec sa poll automation, sinita ni Hontiveros

MANILA, Philippines – Sinita ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang malaking gastos ng Commission on Elections sa pagrenta ng mga bagong vote counting machines sa halip na bumili na lamang, para sa May 2025 National and Local Elections.

Ipinaliwanag ni Senador Imee Marcos, sponsor ng 2025 budget ng Comelec, kung bakit maituturing na “good deal” ang pagrenta.

Ani Marcos, ang machines ay mayroong OMR at DRE technology.

Naniniwala naman si Hontiveros na mas makakatipid sana ang bansa kung pumili ito ng makina na mayroong isa lamang sa mga functionality nito.

“I think it would be more accurate to say that they are not actually combined. Both options are just available in the machines. Individually, each has been tested. Kung baga sa ilaw, regular electric supply. Pero kapag na-brown out, tsaka lang gagamitin yung genset,” sagot naman ni Marcos.

“So, di ba, kung ganun, good sponsor, bakit hindi na lang OMR machines ang prinocure or ili-lease para dito sa Pilipinas, DRE machines para sa ibang bansa. Dahil kung sa iisang kaha, may dalawang sistema, pero ia-activate yung isa, o yung isa, depende sa switch na bubuksan, combination system talaga siya. OMR at DRE, good sponsor, na hindi pa nagagamit dito sa Pilipinas, or malamang sa ibang bansa sa mundo, good sponsor,” tanong ni Hontiveros.

Ipinaliwanag naman ni Marcos na sa Pilipinas, tanging OMR lamang ang gagamitin.

“Ito kasi ang nangyari, na yung mga machines both have, all, each of the machines have both systems but they will not be turned on jointly and combined in some confusing or sinister way. Instead, ang nangyari na pareho kasi ang presyo ng DRE at OMR. Sa totoo lang, yung DRE na gamit na rin sa Maguindanao noong 2008, mas advanced sana yung DRE kasi maganda nga yung touchscreen. Kaso nga lang, abala yung Comelec sa dinami-dami ng ating botante baka mag-bog down or mahirapan kaya yung OMR na pareho sana ang presyo, eh mas low tech, yun na lang gagamitin sa lokal pagkat napakarami na ng botante natin,” sinabi pa ni Marcos.

“If I may explain further, the DRE system seemed ideal for overseas voting because it would eliminate the deployment of more personnel and the printing costs for these 17 posts abroad. So the DRE was seen to be the more practical option. Doon lang sa 17 posts. Otherwise, lahat ay babagsak sa OMR para makasigurado tayo.”

“So sana pala, good sponsor, nag-lease na lang tayo ng 17 DRE machines at the rest, kung ilang libo, ili-lease natin na OMR. Baka lumabas pang mas mura kaysa may karamihan tayo ng mga combined OMR-DRE machines na hindi naman gagamitin dito sa local precincts natin. Syempre kung bumili tayo ng ref, mas mura yun kesa bumili tayo ng ref combined with freezer, good sponsor, to use a very low-tech parallel or example,” tugon ni Hontiveros.

“I think the question never arose because all the machines contained both DRE and OMR. There was no additional cost for having two options. Parang dual SIM sa ating cellphone. Pag bumili ka ng cellphone ngayon, talagang dual SIM kahit gagamitin mo, iisang SIM card lang,” pahayag naman ni Marcos.

“Well, now, how can we know na good sponsor na hindi naging mas mura kung mas maraming OMR ang ili-lease, then 17 ang DRE na ili-lease. In fact, I don’t think it’s been adequately explained why this contract is so expensive. Considering po, ili-lease lang po natin yung mga makina, di naman natin sila bibilihin outright, at yung lease ay para sa isang election cycle lamang, good sponsor,” sinabi ni Hontiveros.

Samantala, iginiit ni Marcos na nakatipid ang Comelec. Hindi naman kumbinsido rito si Hontiveros. RNT/JGC