MANILA, Philippines – Pinuna ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang certificate of candidacy ng isang tumatakbo bilang konsehal dahil sa kakulangan ng kumpletong address.
“I have here a copy of the COC of one candidate for councilor in San Juan. Ang address niya, Unit A, N. Domingo. Unit A, N. Domingo. Napakahaba po ng kalina N. Domingo. Walang building, walang number,” sinabi ni Estrada kasabay ng plenary deliberation para sa 2025 budget ng Commission on Election.
“Hindi taga-San Juan ito. Basketball player. Well, I do not have anything against basketball players as long as they are legitimate residents of San Juan. Eh pinuno na ng basketball player yung Sangguniang Panlunsod sa San Juan. Hindi naman mga taga-San Juan. What are we going to do with this? Dapat yung EO ng San Juan, dapat they exercise due diligence. Ba’t tatanggapin itong COC na Unit A, N. Domingo? Anong klase ba naman ito?” ani Estrada.
“Tama po kayo. Sabi nga ng Comelec, kung maari, unang-una sila na mismo ang maghain ng kaso laban sa mga punong barangay na kung ano-anong Certificate of Residence ang ini-issue. Pero sana po, yung mga nag-o-object sa mga numero na nakakasindak ar karagdagang botante kung maaari magfile din ng exclusion,” paliwanag naman ng budget sponsor ng Comelec na si Senator Imee Marcos.
“I think somebody filed already a disqualification case against this particular candidate. I hope the Comelec will act on it immediately para matanggal na sa balota itong pangalan ng kandidatong ito,” sinabi naman ni Estrada.
“Sana maaksyunan kaagad ng Comelec itong disqualification case against this particular candidate,” dagdag pa nito.
Samantala, nais din ni Senador Nancy Binay na panagutin ang mga opisyal ng barangay na nag-aabuso sa pagbibigay ng barangay resident certificates bilang requirement para sa voter transfer o registration.
Ito ay kasunod ng ulat na ipinasa ng Comelec na ilan sa mga address sa Makati ay non-existent, uninhabited, o unfit for living.
Ani Binay, kahina-hinala ang mga ito at dapat imbestigahan.
Nagkaroon din aniya ng “unusual” na pagtaas ng 55% sa bilang ng mga bagong botante sa ikalawang distrito ng Makati, at 15% sa first district malayo sa 5 percent na “normal rise” sa voting population.
Titingnan, ani Comelec chairman George Garcia at ng en banc ang isyu at pananagutin ang mga sangkot na barangay officials. RNT/JGC