Home ENTERTAINMENT Ken, nangakong haharapin ang kaso!

Ken, nangakong haharapin ang kaso!

171
0

Manila, Philippines – Kung matatandaan, pamamagitan ng Instagram account, nag-post si Ken Chan ng official statement kalakip ang mga litrato ng dati niyang restaurant na Cafe Claus para ipagtanggol ang sarili sa kasong syndicated stafa na isinampa sa kanya.

Ipinagdiinan ni Ken na hindi siya manloloko, at walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng dating co-investor niya sa itinayong business.

Nag-reak din siya sa mga taong patuloy na nangwawasak sa kanyang pagkatao.

Sabi nga sa ilang bahagi ng official statement ni Ken: “Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara.

“Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay.

“May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa, na kung tutuusin ay dapat umiikot lamang sa pagkalugi ng negosyo.

“Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko.

“Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin….”

At least, binasag na ni Ken ang kanyang katahimikan sa isyu sa kanya. At ayon nga sa kanya ay wala siyang niloko at hindi siya manlolokong tao.

Sinabi rin niya na in time ay haharapin niya ang kaso.

Well, sana ay malagpasan ni Ken ang pagsubok na ito na dumating sa kanyang buhay. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here