Home HOME BANNER STORY Task Force Bravo itinaas na sa sunog sa Isla Puting Bato

Task Force Bravo itinaas na sa sunog sa Isla Puting Bato

MANILA, Philippines –  Itinaas na sa Task Force Bravo ang alarma dahil sa patuloy na paglaki ng sunog sa Purok 2 sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila ngayong Linggo ng umaga.

Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagtulong-tulong na ang mga fire fighters, fire volunteers mula sa ibat-ibang lugar sa lawak na ng naapektuhang mga kabahayan na tinutupok ng malaking apoy.

Nagsimula ang sunog alas-8 ng umaga kung saan nasa 31 fire truck na ang patuloy na nag-aapula sa sunog.


Bukod dito, mayroon na ring fire boat na pinakilos para tumulong sa lumalaking sunog.


Ang air asset ng PAF 205th Tactical helicopter ay tumulong na rin sa pag bagsak ng tubig na kinukuha sa Manila Bay.

 

Tuloy-tuloy din ang pagdating ng mga bumbero habang mayroon na ring ambulansya na nakaantabay sa lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)