Home NATIONWIDE Lahat ng banta sa buhay ni PBBM, usapin ng national security –...

Lahat ng banta sa buhay ni PBBM, usapin ng national security – Año

KINOKONSIDERA ng National Security Council ang lahat ng banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang usapin ng National security.

Ito’y matapos na bantaan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Marcos at pamilya nito na ipatutumba kung siya ay papatayin.

Sa isang kalatas, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na kinokonsidera ng NSC na “all threats to the President of the Philippines as serious.”

“Any and all threats against the life of the President shall be validated and considered a matter of national security,” ang sinabi ni Año.

Nauna rito, sinabi ni VP Sara na kumontak na siya ng “assassin” o killer para patayin sina Pangulong Marcos asawa nitong si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez para ipaghiganti umano siya kapag may nangyaring masama sa kaniya o mapatay.

Ito ang mariing banta ni VP Sara sa press briefing sa detention facility ng Kamara nitong Sabado ng madaling araw na nag-livestream din para makalahok ang mga Diehard Duterte Supporters (DDS) vloggers, netizens at mga media outlet.

“Nagbilin na ako…. ‘pag namatay ako, ‘wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila,” pahayag ni VP Sara na tinukoy ang mga pangalan nina PBBM, First Lady Liza at Romualdez na siyang mga ipata-target niya para paslangin ng bayarang killer.”

“Pag namatay ako mamatay rin sila,” pagbabanta pa ng Bise Presidente na nasa detention faci­lity ng na-contempt nitong Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez sa Kamara.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Año na ang NSC ay “closely coordinating with law enforcement and intelligence agencies to investigate the nature of the threat, the possible perpetrators, and their motives. We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President represents.”

Samantala, sa isang kalatas sinabi ng NSC na hinikayat ng National Security Adviser ang publiko na “to remain calm and confident in the knowledge that the security sector will ensure the President’s safety and will always uphold at all times the constitution, our democratic institutions, and the chain of command.”

“We underscore that the safety of the President is a non-partisan issue, and we stand united in our commitment to upholding the integrity of the office and the democratic institutions that govern our great nation,” aniya pa rin. RNT