Home METRO Sunog umabot sa 3rd alarm malapit sa Dangwa

Sunog umabot sa 3rd alarm malapit sa Dangwa

211
0

MANILA, Philippines- Umabot ang sunog sa isang commercial-residential area malapit sa Dangwa flower market sa Sampaloc, Manila sa third alarm nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat, sumiklab ang sunog bandang alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Dos Castillas Street at Carola Street.

Nagliyab ang ilang kabahayan na gawa sa light materials.

Nagtulungan ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection at mga boluntaryo upang puksain ang sunog, at idineklarang fire out pagsapit ng alas-8:12 ng gabi. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here