CEBU CITY, Philippines- Pinagbawalan ni Reny Boy Basalo, 45, ang kanyang na umalis ng kanilang tahanan sa Naga City, Cebu nitong Sabado ng hapon.
Subalit, sumagot si Christian, 24, at iginiit na aalis. Habang nagtatalo sila, kumuha umano ng itak ni Reny Boy at tinaga ang anak nitong tinamaan sa leeg.
Patay na si Christian nang dalhin sa isang pribadong ospital sa lugar nila, ayon kay Police Lt. Col. Verniño Noserale, hepe ng Naga City Police Station.
Sinabi ni Noserales na labis na ikinagalit ni Reny Boy ang pagsagot ni Christian at pagiging umano’y bastos, na lagi umano nitong ginagawa tuwing pinagagalitan ito ng kanyang ama.
Naganap ang insidente nitong Sabado ng hapon sa Basalo residence sa Brgy. Cogon, Naga City.
Ani Noserale, lasing umano si Reny Boy, isang construction worker, nang mangyari ang insidente.
Kasalukuyang nakaditene ang suspek sa detention facility ng Naga City Police habang inihahanda ang parricide charge laban sa kanya. RNT/SA