Home METRO P14.4M marijuana winasak sa Benguet

P14.4M marijuana winasak sa Benguet

CAMP DANGWA, Benguet- Nakumpiska ng mga pulis ang marijuana na nagkakahalaga ng P14.4 milyon sa eradication operations sa Benguet at Kalinga nitong Biyernes.

Sinabi ni Police Brig. Gen. David Peredo Jr., Police Regional Office-Cordillera chief, na nadiskubre ng Benguet Provincial Police Office ang anim na taniman sa Barangays Badeo, Kibungan, at Barangay Kayapa, Bakun.

Inihayag ni Peredo na 19,080 fully grown marijuana plants ay 80,000 gramo ng dried marijuana plants ng nagkakahalaga ng P13.4 milyon ang binunot at sinunog sa lugar.

Sa Kalinga, 5,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P1 milyon ang nadiskubre at winasak sa Barangay Loccong, Tinglayan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang cultivators at iba pang marijuana plantations sa lugar. RNT/SA