Home NATIONWIDE Patutsada vs Sara hinggil sa ambisyon sa Panguluhan sinalag ni Bato

Patutsada vs Sara hinggil sa ambisyon sa Panguluhan sinalag ni Bato

168
0

MANILA, Philippines- Matinding dumepensa ni Senador Ronald ‘Bato” Dela Rosa sa  ilang patutsada laban kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng alegasyong nagmamadali itong maging presidente sa 2028.

Sa panayam sa Senado, kaagad pinabulaanan ni Dela Rosa ang paratang ni Zambalez 1st District Representatives Jefferson Khonghun na nag-ugat ang lahat ng isyung politikal na bumabagabag sa bansa sa ambisyon ni Duterte na maging commander-in-chief.

“Hindi po siya atat maging presidente. Hindi siya atat,” ayon kay Dela Rosa.

Ipinaliwanag ng senador na reaksyon lamang ang pagkilos ni Duterte sa pangyayarihang kinasasangkutan ng Palasyo at Kamara.

“Atat si Inday Sara na maging presidente? O ‘yong boss nila ang atat maging presidente sa 2028 kaya dinedemolish nila si Inday Sara? Which is which? ‘Yong kay Inday Sara ay reaction lamang sa ginagawa nila sa HOR at Malacañang. Kung wala silang ginagawa, tahimik lang naman itong Vice President natin. Trabaho lang,” ayon kay Dela Rosa.

Idenepensa rin ni Dela Rosa ang kabiguan ni Duterte na dumalo sa pagdinig ng National Bureau of Investigation sa pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here