MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang lahat ng Pilipino na gunitain ang mga prinsipyong ipinaglaban ni Andres Bonifacio, sa pagdiriwang ng bansa sa ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ng bayani nitong Sabado.
“As we commemorate Bonifacio Day, let us reflect on the values he stood for – love for country, selflessness, and an unyielding commitment to the welfare of our people,” pahayag ng opisyal.
“In the face of modern challenges, may we draw strength from Bonifacio’s example and reaffirm our dedication to serving the Filipino people. Together, let us strive to build a nation that honors the sacrifices of our heroes and fulfills the promise of a brighter and more prosperous future for all,” dagdag niya.
Ayon pa kay Brawner, ipinapaalala ng pamana ni Bonifacio bilang Ama ng Rebolusyong Pilipino ang kalakasan at kakatagan ng mga Pilipino sa pagsusulong ng kalayaan at hustisya. RNT/SA