Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa WILD disease ngayong tag-ulan

DOH nagbabala sa WILD disease ngayong tag-ulan

1
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng DOH ang publiko ngayong tag-ulan na mag-ingat laban sa mga sakit na “W.I.L.D.” – water-borne diseases, influenza, leptospirosis, at dengue.

Payo ni DOH Asec. Albert Domingo: magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung nababad sa baha dahil may libreng gamot naman.

Para maiwasan ang dengue, isinusulong ng DOH ang *“4Ts”*: Taob, Taktak, Tuyo, Takip para alisin ang mga stagnant na tubig na pinamumugaran ng lamok. Pinaka-aktibo ang lamok 6 ng umaga at sa pagitan ng 4-6 ng hapon.

Ayon sa DOH, mas bumaba ang kaso ng dengue ngayong 2026: 50,727 mula Jan-May, 56% na mas mababa sa 114,308 noong 2025.

Paalala ng DOH, subaybayan ang lagay ng panahon, magdala ng payong/kapote/bota, tiyaking malinis ang tubig, at magpatingin agad kung may sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here