TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Dalawampu’t anim na bayan dito sa rehiyon dos ang natukoy bilang areas of concern para sa nalalapit na National Local Election 2025.
Base talaan na isinumite kay PBGen. Antonio Marallag Jr., Regional Director ng Police Regional Office o PRO2 sa ginanap na presentation of deposited firearms kasabay ng Initial Convening ng RJSCC kasama ang mga katuwang na ahensya na pinangungunahan ng COMELEC, PNP at AFP.
Batay sa naitalang datos, ang mga areas of concern sa rehiyon dos sa nalalapit na midterm eleksyon ay siyam na Bayan ang nasa ilalim ng Yellow Category kabilang ang Aparri, Piat, Enrile, Tuguegarao, San Mateo, Benito Soliven, San Isidro, Burgos at Mallig, labing lima sa Orange Category kabilang ang Alcala, Baggao, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Lasam Penablanca, Rizal, Sta. Teresita, Sto. Nino, Tuao, Ilagan, San Guillermo, San Mariano, at San Pablo, habang dalawa ang nasa ilalim ng Red Category partikular ang Jones at Maconacon, Isabela.
Kasabay ng paglalabas ng listahan ay ipinag-utos ng pagpapaigting ng Police Visibility at intensified checkpoints at simultaneous exercises.
Magkakaroon na rin ng lectures sa mga election concerns sa pangunguna ng Lupon ng Halalan o Comelec.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PRO2 na bagama’t paparating ang Kapaskuhan ay hindi ito makaaapekto sa ginagawa nilang paghahanda para sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon.
Samantala, wala pa naman naitatalang insidenteng hindi kanais-nais sa mga kandidato simula ng maghain ang mgq ito ng kanilang kandidatura. Rey Velasco