FAMY, Laguna – Isang amazona ng New People’s Army ang napatay sa engkwentro sa mga sundalo dito noong Huwebes ng hapon, Nob. 28.
Kinilala ang nasawi na si Agnes Lingay, alyas Jimy, Judy, at Esek.
Nagsasagawa ng mga operasyong panseguridad ang mga sundalo nang makaengkwentro nila ang mga rebeldeng komunista na nagsasagawa umano ng mga aktibidad sa pangingikil sa lugar.
Tumakas ang NPA matapos ang isang maikling engkwentro.
Narekober sa encounter site ang isang maikling baril na may magazine na may anim na bala, isang backpack, handheld radio, headset, mga gamot, at mga personal na gamit. RNT