MANILA Philippines – Nagbabala ang isang obispo sa publiko kaugnay sa Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan at larawan nang walang pahintulot.
Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, ipinagbigay-alam sa kanya na may ginawang pekeng Facebook account sa ilalim ng kanyang pangalan ng isang tao na may sariling interest.
Babala ng Obispo sa publiko, ang sinuman na nanghihingi ng donasyon o solicit ng tulong pinansyal ay hindi magmumula sa kanya.
Binigyang-diin ni Bishop Santos na hindi Siya nanghihingi para sa personal na tulong pinansyal.
Ibinahagi ng Obispo sa screenshot photo na ang pekeng account ay nagpapakita na may covecphoti ng Obispo kasama ang iba pang clergy members at may 21 followers .
Nakalagay din sa Facebook account na ang Obispo ay isang ‘digital creator’ .
Matatanda na una na ring nagbabala ang Taytay,Palawan Apostolic Vicariate at hinikayat ang publiko na ireport ang Facebook account na malisyusong gumagamit ng larawan ni Bishop Broderick Pabillo.
Kabilang sa post sa pekeng FB account ay nagpapakita na tumanggap ito ng unang kita sa investment na nagkakahalaga ng P400 libo sa pamamagitan ng e-wallet. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)