Home NATIONWIDE Museo Pambanta muling magbubukas sa Dis. 6

Museo Pambanta muling magbubukas sa Dis. 6

153
0

MANILA, Philippines – Muling bubuksan ang kauna-unahang children’s museum na Museo Pambata sa Biyernes, Disyembre 6 –ilang araw matapos ang pagdiriwang ng 30th anniversary nito.

Ang muling pagbubukas ng museum ay makaraang ipasara dalawang taon na ang nakalilipas o noong panahon ng pandemya at sumailalim din sa renovation.

Ibinahagi ni Museo Pambata President Bambi Mañosa-Tanjutco, kinailangang kumpunihin ang bubong ng museum dahil sa mga tagas.

Pininturahan din ang pader habang naglagay ng bagong ilaw upang mas maliwanag ang espasyo.

Sinabi ni Tanjutco na maaring tingnan ng mga bisita ang isang bagong tanawin na tinatawag na Balay Yatu na nagtatampok ng mga likhang sining na gawa ng mga kabataan mula sa ibat-ibang rehiyon sa bansa bukod pa sa museum mainstays tulad ng Modelo ng Spanish galleon at tranvia.

Bukas ang Museo Pambata mula Biyernes hanggang Linggo , alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon na may entrance fee na P450.

Ito ay matatagpuan sa Roxas Bouvekard cor.Soutj Drive ,Ermita Manila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here